PC No. 44

Sa isang mainit
At maliwanag na paligid
Hinanap kita

Sa isang malamig
At madilim na silid
Doon kita nahanap

Nakita mo ako
Nakaharap ka pa sa screen
Naghihintay ng kalaro
Sa paborito mong gawain

Hindi man malinaw
Ang aking nakikita
Sa iyo’y nakatitig
Nakangiti pa rin

Inaya muna kitang kumain
Ngunit hindi mo maalis
Ang iyong mga mata
Sa maliwanag na screen

Mas importante pa ba
Iyang nilalaro mo,
Kaysa sa akin
Na gustong maubos ang oras sa’yo?

Turuan mo naman ako
Para malaman ko kung paano
Isama mo naman ako
Para sabay tayong manalo

Lumapit na lang ako
Upang yakapin ang mahal ko
Sana sa susunod ay tayo naman
Ang sabay na maglalaro

Kalaunan ay natuto ako
Isa na akong magaling na manlalaro
Kaso hindi pa kumpleto ang mga tropeo;
‘Di pa kita nakakasamang maglaro

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s