Hindi Ako Maka-Move On Sa’yo

Hindi ako maka-move on sa’yo.

Ewan ko kung bakit, pero patuloy ka pa ring bumabalik sa isipan ko. Alam kong wala na ngang maibabalik, pero hindi ko alam kung bakit may bumabalik. Alam kong hindi naman ikaw iyong nakikita ko. Kaya saan tuloy nanggagaling itong nagpapakita sa isip ko?

Pilit na nga kitang kinalimutan, pero nagpaparamdam ka pa rin sa isip ko. Pinutol ko na ang lahat ng mga bagay na konektado sayo. Binura ko na ang lahat ng bagay na makapagpapaalala sa’yo. Pero, bakit ganun? Nabura ko na nga, kaso bakat pa rin naman!

Akala ko nawala ka na sa isip ko, pero hindi ko alam kung bakit nandun ka pa rin. Posibleng may naiwang latak ng kaanyuan mo sa isipan ko. Pero wala ka na dun, alam ko. Natahimik ang mundo nung naghiwalay tayo. Pero patuloy na nag-iingay ang mga ala-ala nating dalawa; patuloy sa pag-istorbo sa aking pagtulog.

Ikaw pa rin ang naiisip ko sa paggising sa umaga. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing naliligo ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing kumakain ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing naglalakad ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing nakapila ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing may pinapanood ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing may binabasa ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing naglalaro ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing namamasyal ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing nagugutom ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing inaantok na ako. Ikaw pa rin ang naiisip ko sa tuwing mag-isa ako sa kwarto.

Ikaw pa rin ang naiisip ko habang sinusulat ko ito.

Oo, wala ka na nga sa puso ko. Kaya lisanin mo na rin pati ang isipan ko. Ayaw mo na nga, ‘di ba? Pwes, ayaw ko na rin!


Featured image by cutetep

Advertisements

One thought on “Hindi Ako Maka-Move On Sa’yo

  1. Leche ang hirap ng ganyan no? Parang ayaw mo na nga talaga, ayaw mo nang humabol, ayaw mo na magparamdam, tapos akala mo nakamove on ka na pero bigla nalang may maririnig kang kanta, may mapupuntahan kang lugar, kahit nga pangalan ng lugar (Macapagal kasi apelyido niya) tapos maalala mo na siya. Hirap meyn.

    Like

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s