Madaling Makalimot

Saan ko ba nakuha ang mga alaala,
Iyong mga magagandang hindi ko maalala?
Wala na nga akong matandaan
Pero may isang bagay akong ‘di malilimutan

Subukan nating alalahanin
Ang nakikita ko lang ay iyong mukha
Pero ikaw mismo, hindi ko na alam
Hindi kita matandaan, sino ka nga ba ulit?

Patuloy sa pag-ikot ang aking mundo
Patuloy mong hinahabol ang iyong mundo
Pero ‘di mo na iyon kailangang gawin
Sundan mo lang ang puso mo, pero ‘wag na ako

Subukan pa nating alalahanin
Pero hindi na talaga kita makilala
Umaambon nanaman dito sa amin
Hindi kita matanaw, hindi kita marinig

Hindi ka sana nakilala
Manhid ka naman, ‘di ba?
Hindi ka masasaktan ‘pag sinabi kong ayaw ko na

Hindi pa ako makatulog
Nang dahil sa iyo
At ‘pag nalaman mo, matatawa ka na lang bigla

Sa tuwing naaalala ko ang aking mga damdamin
Ay nalilimutan ko ang init ng yakap mo sa’kin
Paalam na mahal ko, ‘di na tayo magkikita
Buo na ata ang aking loob, sana naman ako ay tama
Hindi ako makangiti
Ayaw ko na
Hindi ko na kaya

Minsan ‘pag ako’y nag-iisa
Sinusubukan kong hindi ka maalala
Ang patunayan na wala ka na
Ay isang bagay na ‘di ko magawa

Pero susubukan natin
Ang mga bagay na ‘di ko na magawa
Siguro matutulog na lang muna ako
Sana paggising ko sa kama ay wala ka na

Kung meron ngang pangako na hindi mapapako,
Iyon ba ay makapagbibigay sa’tin ng ginhawa?
Hindi ko na kayang ibalik ang nawala
Kaya bigyan mo ‘ko ng pamalit sa kanila

Sa tuwing naalala ko ang mga nawawala
Ay nalilimutan ko ang boses mo na kay halina
Paalam na mahal ko, ayaw kitang makita pa
Buo na nga ang aking loob, alam kong iyon na nga ang tama
Bumuhos nanaman ang luha
Ayaw ko na
Hindi ko na kaya

Ano ‘tong nasa puso ko?
Ay wala naman palang laman!
Iyon ang nagpapatunay na wala ka na nga dito
Bakit pati ang sarili ay nawala rin?
Winasak mo pala ang puso ko bago ka lumisan

Sa tuwing naaalala ko ang ating mga ginawa
Ay nalilimutan na kita kasi wala kang kwenta
Paalam na mahal ko, este hindi na

Siguro sa bandang huli, maaalala nga pa rin kita
Paghahandaan ko ang araw na tuluyan kang maalala

Teka, sino ka nga ba?
Bakit inaalala?

Hindi kita kilala.


Featured image by iampiasalguero

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s