Sa Susunod

Sa susunod na babaeng makikilala ko,
Gagawin ko ang lahat ng hindi ko nagawa sa’yo

Ipapadama ko sa kanya ang kaligayahan;
Kaligayahang ‘di mo na naramdaman

Lahat ng bagay na hindi ko naibigay sa’yo?
May magbibigay din naman nun sa’yo
Pero mauuna na akong ibigay iyon sa iba

Lahat ng lugar na hindi natin napuntahan nang magkasama?
May magdadala na sa’yo sa mga lugar na ‘yon
Pero mauuna na akong punatahan ‘yun kasama ang iba

Lahat ng bagay na hindi ko nagawa sa’yo?
May gagawa rin naman nun sa’yo
Pero mauuna na akong gawin ‘yun sa iba

Sa susunod na may sasabihin ka
Hindi ko na ‘yun pakikinggan
Dahil wala na rin akong dahilan
Bakit pa kita pakikialaman?

Sana hindi ka iwan ng bagong lalaki mo
Dahil baka mabugbog ko siya
Tulad ng pagbugbog ko sa sarili ko
Nang iniwan kita

Sa susunod na pagkikita nating dalawa
Sana makuha pa nating ngumiti sa isa’t isa
Kung dumating man iyon, sana kaya ko pa
Kung wala na talaga, huwag na lang pala


Featured image by everydei

 

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s