Nang Mawala Ka

Sa tagal nating ‘di nagsama
Ang sakit ngayo’y nawala
Panahon ay naging masama
Panahon ay naging masaya

Sa mundong ating binuo
Kung saan tayo’y nangako
Nawawala na parang bula
Sa pagsikat ng bagong umaga

Unti-unting nasasayang ang ating panahon
Maibabalik pa ba kaya?
Napawi na ako sa aking mga pighati
Titila rin ang ulan
Bukas

‘Di ko malaman kung bakit pa rin nasasaktan
Ikaw pa rin ang sigaw ng puso kong ito
Mananatili ang pangalan mo sa isip ko
Dinig pa rin kita kahit wala ka na

Tinik sa puso ay akala ko naglaho na
Ngunit ang sakit ay ‘di malilimutan
Ang aking damdami’y parte na rin ng buhay ko
Habambuhay kong dadalhin ang puso mo

Wala akong pinagsisisihan
Naisip ko na lang
Ang isang mundo kung saan
Walang nasira

Lumipas na ang mahabang panahon
Gusto kong muling magmahal
Ng isang hindi tulad mo
Baka sakaling mas maayos ‘to

Tulad ng pagtila ng bagyo
Ako’y muling bumangon sa gulo
At nakita ang puso ko
Muling tumibok para sa iyo

Ngunit ‘di ko maintindihan ang panahon
Babalik pa ba ako?
Itong mga ala-alang ‘di mapapalitan
Sana’y ‘di ito maglaho

Siguro hanggang ngayon, nandito ka pa rin
Patuloy pa rin kitang dadalhin
Sa’ting pagtanaw sa mga ‘di pwedeng balikan
Tawanan na lang at huwag nang masaktan

Nakakalungkot kung bakit tayo nagkalayo
Nang dahil lang sa mababaw na dahilan
Hangga’t nagbabaga pa rin itong damdamin ko
Mananatili tayong magkaibigan na lang


Basahing Muli: Magkaibigan Na Lang


Featured image by theballoondiary

Advertisements

One thought on “Nang Mawala Ka

  1. Pingback: Magkaibigan Na Lang | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s