Magkaibigan Na Lang

Noong umaga, may pumasok sa isipan ko
Aking pinulot ang mga bubog ng puso ko
Ano ba ‘tong nakita ko?
May mga bahid ng dugo sa daliri ko
Ito nga ba talaga ang aking ginusto?

Alam ko na sa puso ko na ito’y hindi biro
Kahit mahirap ay alam kong mas mainam ‘to
Kahit ayaw ng puso ko,
Paulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko
Kailan ko ba ito masasabi sa iyo?

Sa mundo kong unti-unti ko nang nagugunaw,
Sinusubukan kong mabuhay pa para sa’yo
Inuukit sa isip
Ang nawawalang mga ngiti
Ako’y susuko na

Isinigaw ko ang aking damdamin
Ngunit bakit parang ito’y walang silbi?
Wala na ngang natitira sa puso kong wasak na
Wala pa ring natitira para iyong mahalin pa

Mga pagkakataon na naiwan
Bakit natin sinasadyang kalimutan?
“Kahit ano pang gawin natin, ang buhay, sadyang ganyan.”
Aking bulong habang ikaw ay dahan-dahang lumuha

Isang tahimik na gabi, aking napagtanto
Wala nang kwenta ang pagpulot ko sa mga talulot
Kasi hindi ito muling mabubuhay pa
Ang mga bulaklak ay namayapa na
Ang tamang panahon ay lumipas na pala

Naaalala ko pa ang una nating pagkikita
Ang iyong ngiti ang siyang unang tumatak sa isip ko
Habang ang nakaraan ay binabalikan
Mas lalo lang tayo nagkakasakitan
Ang ating mga puso ay sadyang natinikan

Sa pagpatuloy ng malabo nating relasyon
Isang pabigat ang pagbabago sa isipan ko
Ikaw pa rin ang mahal ko
Ayokong mahiwalay sayo
Ngunit kailangan kong sabihin ‘to

Bumabagyo ngayon sa’king isipan
Hindi ako makalayo, mga mata’y lumalabo
Habang ako’y naghahangad na maililigtas ko pa
Nananaig pa rin ang sakit na aking pinipigilan

Ang pagmamahalan natin ay nawawala
Sa bawat araw ay unti-unting namamatay
Paalam na aking mahal, ako ay susuko na
Kailangan nating lumayo at wala na ‘tong balikan

Aking huling tanging hiling
Na sana ay tuluyang matupad
Babalikan ko nang paulit-ulit
Ang mga araw na pinangako na ‘di kalilimutan

Ngunit naririnig pa rin ang sarili
Bakit pa ba umaasang mayroong babalik?
Wala na nga ang ating pag-ibig, hindi ko na masagip
Bakit sumuko na agad, hindi pa nga nagsimula?

Sa ating mundong binuo nang magkasama
Bakit unti-unting lumalayo sa isa’t isa?
Tuluyan na bang nagpaalam ang aking sinta?
Naiwan lang nakatunganga, iniwang nag-iisa

Ito na pala ang katapusan.


Basahing Sunod: Nang Mawala Ka


Featured image by theballoondiary

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s