Pampakalma

Ano, nag-away nanaman ba kayo?
Hayaan mo muna iyang problema niyo
Nandito naman ako
Akong bahala sa’yo

Halika dito, pasisiyahin kita
Tutal, sa akin ka lang naman lumiligaya
Hayaan mong punasan ko muna ang mga luha mo
Dito ka lang muna manatili sa tabi ko

Hindi kita maintindihan
Bakit mo nga ba siya pinatulan?
Ibahin mo ako, mabait sa’yo
Bakit hindi na lang ako?

Ako na nga ‘tong lagi mong nilalapitan
Hindi mo pa ako magawang yakapin
Ako na nga ‘tong laging nandyan
Hindi mo pa ako magawang mahalin

Siguro ganito lang naman ako
Pampakalma para sa’yo
Kanino ka pa ba naman kasi lalapit?
Sa tuwing nahuhulog ka, sa’kin ka sumasabit

Pero lalayo na lang siguro ako sa iyo
Kasi kapag nagkabalikan na kayo
At pinatawad niyo na ang isa’t isa,
Iiwan mo na ako — akong umaasa


Featured image by abegailambayan

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s