Yakap Ko

Tulala
Yun ang aking ginawa
Nang ika’y
Unang makita

Di ko malaman
Kung ano ang gagawin
At sasabihin
Nawa’y ang nararamdaman
Iyo’y dinggin

Nanginginig
Yun ang aking ginawa
Nang ako’y
Kausapin mo

Di ko alam
Kung ano ang gagawin
At sasabihin
Sana ako’y
Iyong mahalin

Kausapin mo ako
Gustong marinig ang tinig mo
Hawakan mo’ng aking kamay
Sayo’y kuntento na ako

Tahimik na
Naghihintay
Sayo
Ano bang balak mo?

Bakit sa akin pa?
Bakit hindi na lang sa iba?
Wala naman akong
Maipapakita sa iyo

Pero hindi ko maintindihan
Itong damdamin ko?
Bakit sa lahat ng tao
Ako’y nahulog pa sa iyo?

Baka naman ay
Saktan mo lang ako
Pero ikaw lang ang sinisigaw
Ng puso’t isip ko

Kaya naman
Pakinggan mo ako
Mahal kita
Wag mo na akong iwan pa

Naghihintay
Sa araw na
Ika’y umamin na
Mahal mo rin ako

Mahal mo ba ako?
Sa dinami-rami ng dumaan
Ikaw pa rin ang hanap ko

Umaasa ba ako
Na ako’y mahalin mo?
Baka naman hindi pala
Nasayang lang ang oras ko

Salamat na lang
Ako’y iyong pinabayaan
Aasa lang naman ako
Masasaktan lang naman ako

Ngunit hindi ako susuko
Maghihintay ako
Gagawin ko ang lahat para
Makuha ko ang loob mo

Dahil ako
Ay may pag-asa pang
Natitira
Mahaba pa ang oras
Baka bukas
Pwede na

Sana ako na lang
Ang iyong mahal
Hindi kita iiwan
Dikit ka lang sa akin
Di kita lulubayan

At pag may kupal na
Nanakit
Sa iyo
Nandito lang ako
Ako’ng bahala sa iyo

Wag mo na akong lisan
Mahalaga ka sa buhay ko
Ayokong mawala ka
Gugunaw ang aking mundo

Ikaw lamang ang buhay ko
Sana mahal mo rin ako

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s