Halik ng Kuting

Muling nagpakita
Ang madungis na kuting
Kung gaano karami
Ang kanyang kapiling
Ganun din kadami
Ang kanyang kasiping

Limang lalaki ang nasa harap mo.
Pinakilig na ba nila ang araw mo?
Tulad ba nila ako?
O sila ba’y mga manloloko?

Nakapili ka na ba ng lalaking
Dadalhin mo sa inyo ngayong gabi?
Nakabili ka na ba ng pampalaki
Sa dibdib mong walang hati?

Ilan na ba ang nilandi mo?
Ilan na ba ang niloko mo?
Ilan na ba ang pinaasa mo?
Ilan na ba ang pinaglaruan mo?

Ilang gabi ka na bang
Nagigising sa kama ng iba?
Ang isipan ay tila nawawala
Nabayaran ka na ba nila?

Sa laki ng kinikita mo
Malaki na sana ang bahay mo
Sa laki ng kaluban mo
Malaki na sana ang anak mo

Saan kaya makakarating
Ang halik ng isang kuting?
Madadala mo ba ako sa iyong paraiso?
O isasama mo ba ako
Sa pagpunta mo sa impyerno?


Featured image by knparole

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s