Ako Na Lang

Kanina, may nakita ako
Nakita ko ang taong mahal mo
Dumaan siya sa harap ko
Napayuko na lang ako

Ito ba ang taong mahal mo?
Ang taong pinili mo?
Ang taong nananakit sayo?
Ang taong dahilan ng mga luha mo?

Ba’t ba ang tanga mo?
Ba’t ba siya pa ang gusto mo?
Nandito naman ako.
Nandito lang ako.

Naiintindihan mo ba?
Nasasaktan ako pag nawawasak ka
Nadudurog ako pag umiiyak ka
Tuwing nararamdaman mong kulang ka

Naririnig mo ba?
Ang pag-iyak ko pag tumatangis ka
Ang pagsigaw ko pag wala akong magawa
‘Pag nalulungkot ka nang dahil sa kanya

Mahal, pakinggan mo naman ako
Hindi mo dapat nararanasan ito
May taong nagmamahal sayo
Pakiusap, hayaan mo lang ako

Mamahalin kita nang buong-buo
Tatanggapin ang iyong pagkatao
Walang hihinging kapalit mula sayo
Pumayag ka lang, iibigin ka nang totoo

Sige na, huwag ka nang umiyak
Sa akin, ikaw na lang ay humawak
Wag ka nang magpakatanga, mahal ko
Ako na lang, ako na ang magpapakatanga sayo

August 24, 2015


Nagustuhan mo ba?
Read more at drosiatisthalassas.wordpress.com

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s