Isang Gabi Sa Nightclub

Maingay. Malamig. Madilim. Isang kwartong punong-puno ng mga babaeng nagsasayawan sa saya. Kasabay ng pagdagundong ng tugtog ang pagtalbog ng kanilang mga suso at puwetan. Pagod pero hindi pinapawisan. Pinapawisan pero hindi naiinitan. Naiinitan pero hindi natitikman. Natitikman pero hindi nasasarapan. Nasasarapan…

Nasasarapan…

Biyernes nanaman. Tuwang-tuwa nanaman ang magkakabarkadang sina Marlon, Paulo, at Toffee. Palagi kasi silang gumagala tuwing Biyernes ng gabi upang libangin ang kanilang mga sarili matapos ang isang linggong “pagpapahirap” sa kanila ng kanilang mga guro sa paaralan. Madalas ay umiinom lang sila sa mga beerhouse na malapit sa kanilang eskwelahan, ngunit paminsan-minsan ay pumupunta sila sa iba’t ibang mga nightclub at nagpapakasarap sa mga nakikita ng kanilang mga mata.

“Thank God, it’s Friday!” sigaw ni Marlon nang makalabas na sila ng kaniyang mga kabarkada sa kanilang eskwelahan.
“Oh, saan tayo ngayon?” tanong ni Paulo.
“Mag-bar naman tayo ngayon!” sabi ni Toffee. “Tagal na nating hindi nakakapag-bar, eh.”
“May alam ka bang bar na pwedeng puntahan?” tanong ni Paulo.
“May bagong bukas doon sa Angeles,” sagot ni Toffee. “Baka pwede nating punatahan ‘yun! Balita ko, may discount sila ngayon.”
“Nako, pass muna siguro ako dyan,” sumingit si Marlon. “Mukhang wala akong pera pang-entrance kahit may discount pa ‘yan.”
Inakbayan ni Paulo si Marlon.
“Marlon. Pwede naman kitang utangan pagdating sa mga kasiyahang ganyan, eh. Basta sabihin mo lang sa’kin at bibigyan kita.”
“Etong si Marlon, parang ‘di kaibigan,” dagdag ni Toffee. “Ngayon ka lang hindi sumama sa gimik natin, ah!”
“Pasensya na,” pakiusap ni Marlon. “Kailangan ko lang talaga eh.”
“Bakit?” sumingit si Paulo. “Kasi may date kayo ni Sam, ganun? Alam mo, simula nung naging syota mon ‘yan, minsan ka na lang sumasama sa’min.”
“Par, syempre kailangan ko siyang pahalagahan. Girlfriend ko ‘yun eh,” paliwanag ni Marlon.
“Hindi, ok lang,” depensa ni Paulo. “Sumama ka dyan sa girlfriend mo. Magpapakalunod kami ni Toffee sa mga halik ng mga babae dun sa nightclub.”

Natahimik si Marlon at nag-isip nang mabuti sa kanyang magiging desisyon. Sasama ba siya sa kanila? Ayaw lang naman niyang magalit ang kanyang nobyang si Sam  sa kanya dahil sa pagpunta niya sa bar. Ngunit mas ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila nina Paulo at Toffee. Pumikit si Marlon at huminga nang malalim.
“Hay, sige na nga. Sasama na ako.”
“Ayun!” sigaw nina Paulo at Toffee.
“Ikaw na bahala sa entrance ko Paulo, ah!” paalala ni Marlon.
“Oo ba!” sabi ni Paulo. “Basta magbihis ka na. Sunduin ka namin mamayang alas-onse.”
“Sige!”

Pag-uwi ni Marlon sa kanyang bahay ay inihanda na niya kaagad ang kanyang susuotin mamaya. Simple lang naman. Inilabas niya ang paborito niyang V-neck shirt at ipinares ito sa kanyang makintab na jeans. Inihanda na rin niya ang kanyang sneakers na susuotin mamayang gabi.

Paulit-ulit siyang tinatawagan ng kanyang nobyang si Sam sa kanyang telepono ngunit ayaw niya itong sagutin. Ayaw siguro ni Marlon na malaman ni Sam ang kanyang gagawin mamayang gabi sa nightclub. Sa huling pagtunog ng telepono ay sinagot na niya ito.
“Hello, Marlon?” nagsalita si Sam. “Bakit hindi mo sinasagot ‘yung mga tawag ko sa’yo? Nag-aalala tuloy ako.”
“Ah, hello, Sam!” sagot ni Marlon. “Pasensya na, naka-silent kasi ‘yung phone ko habang naglalaro ng LoL.”
Hindi naman naglalaro ng LoL si Sam kaya hindi niya malalaman kung naglaro nga siya.
“Ah, ganun ba. Hmm…”
“Ok ka lang ba?”
“Kasi.. Ano eh…”
“Kasi ano?”
“Friday ngayon, ‘di ba? Aalis nanaman kayo ng mga kaibigan mo. Nag-aalala lang ako. Baka may mangyaring masama o kaya magloko ka bigla at may makitang iba.”
“Hay nako, Sam. ‘Wag kang mag-alala. Hindi ako magloloko. Sisiguraduhin kong hindi ako malalasing para matino pa rin ako pag-uwi ko.”
“Sure ‘yan ah?”
“Oo. Pinky promise.”
“Hmm. Sige. Ingat kayo. I love you.”
“I love you, too.”
“Lagot ka sa’kin ‘pag nagloko ka!”
“Ha ha! Ipakain mo pa ako sa aswang. Hindi kita lolokohin.”
“O, siya. Bye-bye na. Mwah!”
“Bye-bye!”
Ibinaba na ni Sam ang kanyang telepono. Bumilis ang pagtibok ng puso ni Marlon.
“Ano kaya ang mangyayari mamaya?” tanong niya sa kanyang sarili.
Humiga muna siya at umidlip muna saglit.

Sumapit na ang alas-onse at nagbihis na si Marlon ng kanyang pang-alis. Lumabas na siya sa kanyang bahay at hinintay na dumating sina Paulo at Toffee. Ilang sandali pa ay dumating na ang kotse ni Toffee sakay si Paulo. Tumigil ang kotse sa harap ni Marlon at bumukas ang bintana nito.
“Oy, Marlon!” sigaw ni Paulo. “Ano pang ginagawa mo dyan? Sakay na!”
“Eto na nga eh,” bigkas ni Marlon habang pasakay sa kotse.
Nakaupo agad si Marlon sa likod ng kotse kasama ang isa pang babaeng hindi niya kilala kung sino.
“Pare, sino ‘to?” tanong niya.
“Hindi mo kilala ‘yan?” natawa si Paulo. “Si Kyla ‘yan! ‘Yung sexy dun sa kabilang section.”
“Hi, Marlon!” pagbati ni Kyla nang nakangiti. “Sama ako sa inyo, ha?”
“Weh?” nagulat si Marlon. “Grabe, hindi ko nakilala. Ang simple ng itsura niya ‘pag naka-uniform.”
“Ha!” sigaw ni Toffee. “Alam mo naman ‘yung mga babae. Tinatago ang kulo.”

May inilabas si Paulo sa kanyang bulsa na pakete ng marijuana at iniabot niya ito kay Marlon.
“Pre, subukan mo ‘to,” sabi ni Paulo.
“Ano ‘yan?” tanong ni Marlon.
“Marijuana.”
“At saan mo naman nakuha ‘yan?”
“Kay Edmond. Nagbebenta ‘yun ng droga sa likod ng school, kung alam mo lang.”
“Edmond? ‘Yung kupal na taga-HRM?”
“Oo, siya.”
“Putang inang ‘yan. Akala ko pa naman napakaatalino ng kupal na ‘yun.”
“Oo na, alam ko na. Sindihan mo na ‘to para malaman mo ang kaputang-inahang maidudulot niyan sa’yo.”
Naglabas ng papel si Paulo at iniabot ito kay Marlon. Inilagay ni Marlon ang marijuana sa papel at saka inirolyo ito upang ito’y kanyang sindihan. Ito’y kanyang hinithit at siya’y umubo. Kinuha ni Kyla ang hawak niyang marijuana at humithit din dito sabay halik sa bibig ni Marlon.
“Mas masarap ‘pag galing sa bunganga ko,” ngumiti si Kyla.
“Oy, wala pa tayo sa bar,” sumingit si Toffee. “‘Wag muna kayong maglampungan diyan.”
Napatulala lang si Marlon’pagkat ang isipan niya’y biglang nalutang nang siya’y humithit ng marijuana.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bagong bukas na bar na tinutukoy ni Toffee.
“Andito na tayo!” sigaw ni Paulo. “Sa wakas, makakapang-chicks na ako ulit!”
Dali-daling lumabas si Paulo matapos i-park ni Toffee ang kanyang kotse. Sunod na ring lumabas sina Marlon at Kyla mula sa sasakyan at sinundan si Paulo.
“Sunod na lang ako,” sabi ni Toffee habang may inaayos pa sa kanyang sasakyan.

Lumapit na sina Paulo sa reception ng nightclub at nagbayad na ng kanilang discounted entrance fee. Ngunit tinignan silang mabuti ng bouncer bago sila papasukin sa loob ng mismong nightclub. Tinitigan niya si Marlon nang mabuti.
“Ok lang ba ‘yang kasama niyo?” tanong ng bouncer.
“Ok lang ‘yan,” sagot ni Paulo. “Puyat lang ‘yan kaya ganyan.”
“Sigurado kayo, sir ha? Bawal po kasi kaming magpapasok ng mga taong kumpirmadong nakatira ng droga.”
Naglabas ng limang libong halaga ng pera si Paulo sa kanyang wallet at itinago ito sa kamay ng bouncer.
“Nagpapapasok ba kayo ng kaibigan ng mayaman?” bulong niya sa bouncer.
Natuwa nang bahagya ang bouncer sa kanyang natanggap na suhol.
“Aba, syempre naman, boss! Kahit na sino, welcome na welcome dito!”
“Mabuti,” ngumiti si Paulo. “Tara!”
Pumasok na sina Paulo, Marlon, at Kyla sa loob ng nightclub.

Sumalubong sa kanila sa loob ang dami ng taong nagsasayawan sa maingay na tugtog.
“O, andito na tayo,” sabi ni Paulo. “Tayo na’t magpakasaya!”
Humiwalay na si Paulo sa grupo at naghanap ng grupo ng mga babaeng lalandiin niya ngayong gabi.
“Uhm, Marlon,” nagpaalam si Kyla. “Doon muna ako sa mga lalaki na ‘yun, ah. Mag-enjoy ka muna dito.”
Humiwalay na rin si Kyla at nilapitan ang mga grupo ng lalaking nakaupo sa isang tabi. Naiwan si Marlon na lutang at hindi alam ang gagawin. Lumapit siya sa bartender at bumili ng alak upang pigilin ang kanyang nararamdaman.

Maya-maya pa ay may lumapit sa kanyang isang napakagandang babae. Siya’y napakaputi. Ang suot niya’y maiksi at masikip. Nakakaakit lalo ang kanyang nakakabighaning mukha. Napatulala si Marlon nang makita niya ang magandang babaeng ito.
“Hi, are you ok?” tanong ng babae sa kanya.
“Uh, yeah,” sagot ni Marlon kahit na siya’y lutang pa. “Ok lang ako. Hah. Ang saya nga dito eh.”
“Kaya nga eh. Andaming masasayang bagay dito sa mundo. By the way, I’m Erika.”
“Marlon. Nice to meet you,” nakipagkamayan silang dalawa.

Nag-usap muna sila nang ilang minuto at bahagyang nawala ang pagkahilo ni Marlon. Ilang sandali pa ay hinawakan ni Erika ang hita ni Marlon at may ibinulong sa kanyang tainga.
“I’m sure, you want something more fun than this one,” tanong ni Erika.
Nawala na sa isip ni Marlon ang kanyang girlfriend. Ang kanyang isipian ay nakadirekta na kay Erika. Ayaw na niyang pakawalan ng tingin ang napakagandang babae at nais na niya itong dalhin sa kama.
“Gusto mo bang makapunta sa langit?” kutya ni Marlon.
“Nako, mahilig pa man din akong lumipad,” pabirong sagot ni Erika.
“Lipad na tayo, kung ganun.”
Tumayo na silang dalawa at dumiretso na sa labasan. Hindi man lang muna nagpaalam si Marlon sa kanyang mga kasama sa loob ng nightclub tungkol sa kanyang pupuntahan. Hawak ni Marlon ang kamay ni Erika at sila’y nag-check-in sa isang motel na malapit sa nasabing nightclub.

Ikinandado na ni Marlon ang pinto upang walang makapasok sa malamig na kwarto. Naupo naman sa malambot na kama si Erika at tinitigan si Marlon. Lumapit si Marlon kay Erika at hinaplos ang kanyang makinis na mukha.
“Gusto mo na ba akong tikman?” pag-udyok ni Marlon.
“Aba, oo naman,” sagot ni Erika. “Paano ko malalaman kung gaano ka kasarap?”
Binuksan ni Erika ang zipper ng pantalon ni Marlon at hinubaran niya ito. Hinawakan niya ang ari ni Marlon at isinubo ito. Malakas ang pagsipsip niya sa ari ni Marlon kaya nasarapan ang lalaki sa kanyang ginagawa.
“Uhh! Sige, isubo mo pa,” ungol ni Marlon. “Sige, ganyan lang!”
Maya-maya pa ay nagsimula nang sumakit ang pagsubo ni Erika.
“Ahh! Tama na! Nasasaktan na ako.”
Iniluwa na ni Erika ang ari ni Marlon at ngumiti siya sa kanya.
“Ang sarap!” sigaw ni Erika.
“Mas masarap kapag ako na ang kumain sa’yo!” biro ni Marlon.

Hinimas-himas ni Marlon ang malambot na suso ni Erika at unti-unti na niya itong hinubaran. Sinipsip niya ang matitigas na utong ni Erika habang kasabay na sinusundot ang namamasang puki niya. Paulit-ulit ang pag-ungol ni Erika sa mga ginagawa ni Marlon sa kanya. Ipinatong ni Marlon ang mga binti ni Erika sa kanyang mga balikat at dinila-dilaan ang kanyang baina.
“Ahh!” sigaw ni Erika sa magkahalong hirap at sarap na ipinaparanas sa kanya ni Marlon.
“Gusto mo ‘to, ‘di ba?” sabi ni Marlon.
“Uhh! Sige pa!”

Inayos na ni Marlon ang kanyang puwesto upang simulan na ang kanyang tunay na pakay kay Erika — ang makipagtalik sa kanya.
“Ipapasok ko na ah,” paalam ni Marlon.
Dahan-dahang ipinasok ni Marlon ang kanyang matigas na ari kay Erika.
“Ahhh!!!” sigaw ni Erika.
Hindi makapasok nang maayos ang ari ni Marlon dahil na rin sa laki ng ari niya at sa sikip ng puki ni Erika. Nang maipasok nang tuluyan ni Marlon ang ari niya kay Erika, sinimulan na niya ang ritwal at naglabas-pasok sa kaluban niya. Patuloy si Erika sa paghiyaw sa sakit.
“Ahh! Marlon! Tama na! Ang sakit!”
“Ano ‘yun? Hindi kita marinig.”
Binilisan pa ni Marlon ang kanyang paggalaw at nilakasan pa niya ang paghampas niya sa balakang ni Erika.
“Ahh! Ahh! Ayoko na! Tama na!”
Mangiyak-ngiyak na ang pag-ungol ni Erika ngunit nagbingi-bingihan pa rin si Marlon at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
“Aaahhh!!! Masakit naaa-ah-ah-ah!!!”
Mahigpit na ang pagkakakapit ni Erika sa kama at napakagat na siya sa unan ng kama nila. Tumutulo na ang dugo mula sa puki ni Erika. Nagulat siya nang makita niya ito at bigla siyang napatingin kay Marlon.
“Sinabing ayoko na eh!”

Kinalmot ni Erika ang mukha ni Marlon na tumigil kaagad sa pakikipagtalik sa kanya.
“Aray!” sigaw ni Marlon. “Bakit mo ako kinalmot?”
Hinawakan ni Marlon ang kanyang pisngi at naramdaman na may sugat ito. Nang tignan niya ang kanyang palad ay mayroon na itong dugo. Muli siyang tumingin kay Erika. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang itsura ni Erika. Naging dilaw ang mga mata niya at nagkaroon siya ng mga pangil.
“Ano’ng–…?!”
Sinunggaban siya ni Erika at kinagat siya sa leeg. Sumirit ang dugo mula sa leeg ni Marlon. Sa kanyang takot, bigla siyang lumabas ng kwarto at naghanap ng mapagtataguan.

Dali-dali siyang tumakbo sa motel at nanghingi ng saklolo, ngunit walang lumalapit upang tulungan siya. Dumiretso siya sa fire exit at dali-daling bumaba ng hagdan. Ngunit siya’y biglang nadulas dahil sa dugong sumisirit mula sa kanyang leeg at siya’y nahulog sa hagdan. Lumabas ang buto sa kanyang binti nang mabali ito sa pagkakahulog.
“AAAAAHHHHH!!!!!”
Walang nagawa si Marlon kundi ang sumigaw sa sakit na kanyang iniinda. Ngunit kailangan niyang makatakas. Gumapang siya pababa upang makalabas na siya sa motel na iyon.

Biglang tumalon si Erika, na ngayon ay isa na palang aswang, sa kanyang harapan at tumili sa harap ni Marlon.
“Sorry na! Sorry na! Sorry na!” paulit-ulit na sinabi ni Marlon habang siya’y umiiyak na sa sakit na kanyang nararamdaman.
Dinilaan ni Erika ang tainga ni Marlon at nilanghap ang amoy nito.
“Alam mo,” sabi ni Erika. “Sa lahat ng lalaking natikman ko, ikaw ang pinakamasarap!”
“Erika, maawa ka sa’kin! Huwag!”
“Bakit? Naawa ka ba sa’kin nung sinabi kong ayaw ko na?”
Hindi nakapagsalita si Marlon.
“Nasarapan naman ako sa ginawa mo sa’kin. Ayun nga lang…”
Hinawakan nang mahigpit ni Erika si Marlon.
“Mas masarap kapag ako na ang kumain sa’yo!” tumawa si Erika.
“Hindeee!!!” huling sigaw ni Marlon.
Kinalmot nang kinalmot ni Erika ang nagdurugong katawan ni Marlon gamit ang kanyang mahahabang mga kuko at binuksan ang kanyang tiyan upang kainin ang kanyang mainit-init niyang mga laman loob. Inubos niya ang katawan ni Marlon at wala siyang itinira kundi buto. Siya’y nabusog at lumabas na sa tahimik na motel. Inilatag niya ang kanyang mga pakpak at lumipad na sa madilim na kalangitan, patuloy na naghahanap ng susunod niyang biktima.


Featured image from Manila Channel

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s