Bintana

Malalim nanaman ang gabi at gising pa rin kami ng kaibigan kong si Mike. Mahilig magkwento si Mike ng nakakatakot lalo na kapag dis-oras na ng gabi. Minsan, binabalewala ko na lang kasi hindi naman totoo.

Noong gabing iyon ay biglang nag-chat sa’kin si Mike.
     “Tumingin ka sa bintana mo, baka may nakasilip,”  message sa’kin ni Mike sa chat.
Alam kong nagbibiro lang naman si Mike, pero tinignan ko pa rin ang bintana at–…
     “PUTANG INA! ANO ‘YUN?!”
Napasigaw ako nang may makita akong anino ng isang tao mula sa labas ng aking bintana. Hindi malinaw sa’kin kung may tao ngang nakatayo doon sa labas dahil nakatakip ng kurtina ang bintana namin.

Bumalik ang tingin ko sa aking cellphone para muling i-chat si Mike, pero nag-offline na siya.
     “Letse ka, Mike. Natakot naman ako dun,” sinend ko sa kanya.
Ilang minuto rin ang lumipas at hindi pa rin bumabalik si Mike. Bumalik ang tingin ko sa bintana at nagulat na nakabuklat na ang kurtina nito! Nakita ko sa labas ang isang maputing babaeng dilat ang mata at nakatitig sa’kin. Tinalukbong ko na lang ang sarili ko sa kumot at ipinagdasal na sana hindi totoo ang aking mga nakikita.

Tumingin akong muli sa cellphone ko at napansing offline pa rin si Mike. Kaya sumilip ako saglit sa bintana upang tignan kung wala na ang babaeng nakatayo. Ngunit mas kinilabutan ako ngayon sa nakita ko! Hawak na ng babae ang kurtina at isinasara na niya ito mula sa loob ng aking kwarto. Tumigil siya at biglang lumingon sa akin.

Pinikit ko na ang aking mga mata at hindi na binitawan ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
     “‘Tang ina mo Mike,” binulong ko sa takot. “Bakit ngayon mo pa ako tinakot?!”
Ilang sandali pa at narinig ko ang pag-ring ng aking cellphone. Muling nagbalik si Mike. Kinuha ko ang aking cellphone at binasa ang mensahe sa’kin ni Mike sa chat.
     “Ilawan mo ‘yung nasa harap mo.”
     “Tama na nga, Mike.”
Muling nawala si Mike. Dahil sa pagtataka, inalis ko muna ang kumot sa mukha ko at inilawan muna ang nasa harap ko gamit ang ilaw sa screen ng aking cellphone.

Hindi na ako nakatulog muli noong gabing iyon dahil sa nakita ko. Isang duguang babaeng nakatawa sa tapat ng mukha ko.


Featured Image by Corinne

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s