Lapit

Magpaalam ka muna
Bago ka umalis
‘Wag mo munang iwan
Ang nagmamahal nang labis

Pagbigyan mo muna
Ang aking hiling
Isang pag-uusap
Isang pangungusap

Ilang linggo pa nga lang
Nang tayo’y pinagsama
Tila may nag-udyok
Tila tayo’y itinadhana

Bakit hindi nagtagal
Ang ipinangakong walang hanggan?
Saglit lang ang lumipas
Bigla na lang kumupas

Hindi man lang nahawakan
Ngunit patuloy sa pagkapit
Hindi man lang nayakap
Ngunit ramdam pa rin ang init

Ngumiti ka sa harap ko
At pigilan mo ang luha ko
Iisipin ko munang ika’y katabi ko
Habang naghihintay sa pagbalik mo

‘Pagkat ‘di ko naman ikamamatay
Ang iyong biglang pagkawala
Salamat na rin at ika’y nakita
Sapat na para sa akin ang makilala ka


“Paglisan”
isang serye ng mga tula

Kapit
Pikit
Lapit


Featured Image by Corinne

Advertisements

2 thoughts on “Lapit

  1. Pingback: Pikit | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Kapit | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s