Pikit

Ipipikit ko muna ang aking mga mata
‘Pagkat ang sakit ay ‘di ko na kaya
Hinihiling sa langit na sana mawala
Ako ba kaya’y makakadilat pa?

Sa lahat ng iyong sinabihan
Ako ang pinakanasaktan
Kailan lang tayo nagtapo
Ba’t kailangan nang lumisan?

Minsan ako’y nangarap
Na ikaw ay dumating
Nakuha ko nga ang nais ko
Ngunit bigla kang nawala sa piling ko

Ayaw nang pumatak ng aking mga luha
‘Pagkat naubos na ang mga ito kagabi pa
Ayaw nang tumibok ng aking puso
‘Pagkat wala na ang nagpapatibok dito

Hindi na makatulog
Hindi na makakain
Hindi na makatingin
Hindi na makapiling

Ngayo’y nakahiga sa lupa
Sa langit ay nakatulala
Kanina’y nasa isip ka
Bukas, ‘di ka na kasama

Sa susunod na babaeng makikilala ko
Gagawin ko ang lahat ng hindi ko nagawa sa’yo
At kung gawin niya rin ang lahat ng ginawa mo sa’kin
Tatanggapin ko na lang na hindi dapat kita inangkin


“Paglisan”
isang serye ng mga tula

Kapit
Pikit
Lapit


Featured Image by Corinne

Advertisements

2 thoughts on “Pikit

  1. Pingback: Kapit | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Lapit | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s