Silip Sa Nakaraan

Ito’y pagbalik-tanaw sa alaala ng kahapon
Isang pagtuklap sa sugat na naghilom
Pagsariwa sa nakaraang balot ng ligaya’t lungkot
Na kahit anong gawin ‘di maibabaon sa limot

Sa pagbagtas ko sa pasilyo ng alaala
Labis na bigat sa kalooban ang aking nadama
Tila may pasang isang toneladang problema
At ‘di namalayan umaagos na ang luha sa mga mata

Patuloy na tinahak ang pasilyong mapanglaw
At sa di kalayuan may liwanag na natanaw
Tila isang pag-asa upang makaalpas sa pagkalumbay
At para sumikat na panibagong araw sa aking buhay

Nang ako’y malapit na’t abo’t kamay na ang pagasa
Bigla na lang itong nawala na para bang bula
Nakulong ako sa mundo ng kapighatian
Nang maglaho ka sa mundong ating ginagalawan

Aking binalikan ang masalimuot na nakaraan
Panaho’t araw na tayo’y magkamasa’t nagmamahalan
Mga pagkakataong sabay nating binigkas, “Walang Iwanan”
Hinawakan mo aking kamay at ayaw pang bitawan

Ngunit ngayo’y nilisan mo na ang pangarap natin
Kailangan ko ng isampal sa mukha’t buong pusong tanggapin
Na kahit pa mag-alay ng dugo at pawis
Kailanman ay hindi ka na muling mapapasaakin

Marahil maligaya ka na, ako nama’y nagdudusa
Mahimbing na iyong tulog, ako nama’y puyat pa
Ngunit wag kang lubos na mangamba
Sisikat din ang araw at makakalimutan din kita

2015

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s