2:14 pm

Taong  2009. Third year high school ako noon nang unang beses kong nasilayan ang kabigha-bighani niyang ngiti at ganda. Inaamin ko lubos ko siyang hinahangaan at sa tuwing siya ay aking nasusulyapan, nakukumpleto ang aking araw at ang pakiramdam ko ay gumagaan. Siya rin ang dahilan kaya lagi akong sinisipag pumasok ng maaga at ang rason kung bakit lagi akong nagsusumikap sa pag-aaral.

“Oo ! Siya ang aking inspirasyon.”

Habang ako ay pauwi na ay may narinig akong humahagulhol at ng ito ay aking hanapin ay nagulat akong sa kanya pala ito nanggagaling. Nakita ko siyang nag-iisa at nakayuko sa study table namin kaya naman agad akong lumapit dahil sa labis na pangamba kahit nanahihiya ako. Iniabot ko ang aking panyo at sabay sabing.

“Lahat ng problema ay may solusyon. Kaya tahan na aking kaibigan. Sayang ang buhay kung hahayaan mong malugmok ka sa kalungkutan.”

Nagulat siya at biglang napatingin sa akin. Nang mga sandaling iyon hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya o dapat akong matuwa dahil ikaw ay akin ng nakausap. Lubos akong nagulat ng bigla niyang kunin at ang panyo at biglang nagsabing.

“Tama ka nga. Kailangan kong isipin na kaya ko nga tong malagpasan! Problema lang ito!”

Labis akong natuwang kunin niya ang panyo na aking inabot at bukod dun ay nasilayan ko ng malapitan ang taglay niyang kagandahan at ang kanyang walang kasing tamis na ngiti. Tinabihan ko siya at kaming dalawa ay agad na nagkapalagyan ng loob. At magmula nga nun ay naging matalik na kaming magkaibigan.

Lumipas ang mga araw at buwan, naging mas close  pa kami sa isa’t-isa. Nagsisismba kami linggo-linggo.Kumakain kung saan-saan. Nanood kami ng mga pelikula. At sinusundo ko siya sa kanila kaya naman kilala na ako ng mga magulang niya.

Isang araw habang kumakain kami sa isang sikat na fast food chain ay bigla niya ako tinanong ng isang tanong nanagpabago sa  ihip ng hangin.

“ Paano ka ‘pag isang araw mawala ako sa tabi mo? Ano mararamdaman mo?”

“Siyempre malulungkot ako! Tsaka alam ko namang hindi yan magyayari, ‘di ba walang iwanan?”

“Oo nga naman pero bakit ka malulungkot ?”

Bago ko sagutin ang tanong na ito ay napadalawang isip ako . Hindi ko alam kung dapat ko na bang aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa kanya .Pero sa tingin ko ito na ang tamang panahon kaya naman…

“ Kasi… mahal na mahal na kita! Hindi lang bilang kaibigan kundi mahal na talaga kita!”

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kapiligiran bago siya muling sumagot.

“ Dami mong alam! Tara na nga umuwi na tayo!”

Labis akong nalungkot ng mga sandaling iyon. Naisip kong siguro nga hanggang magkaibigan lang talaga kami. Nasktan ako ng sobra dahil nabaliwala ang aking pag-ibig sa kanya pero kailangan ko itong tanggapin alang-alang sa pagkakaibigan namin.

Kinagabihan, habang ako ay nag-iisa at nagkukulong sa aking kwarto ay may natanggap akong text galing sa kanya.

“ Uy! Sorry kanina ah. Hindi kita gustong saktan. Nagulat lang ako sa sinabi mo pero gusto kong malaman mo na MAHAL NA MAHAL NA DIN KITA ! Sa panahong lagi kitang kasama pakiramadam ko kumpleto ako at lagi mong pinapagaan ang aking pakiramdam, sa iyo ko lang ito naramdaman! SA IYO LANG! Pero mali na magmahalan at pagpatuloy pa natin ito dahil labis ka lang masasaktan! Hindi ako  deserving sa pagmamahal mo! You deserve someone who can be with you unitl the last day of your life!  May taning ako! Hindi na ako magtatagal sa mundong ito kaya habang maaga pa lalayo na ako sayo para sa ikabubuti natin! Para walang ng masaktan sa ating dalawa! Babye! Kalimutan mo na ako at kakalimutan na din kita.”

Habang binabasa ko ang text na ito ay hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha sa aking mga mata. Agad-agad ko siyang tinawagan ngunit hindi niya sinasagot. Tinext ko din siya ngunit wala pa din. Hindi ko na mabilang kung ilang litro na ng luha ang aking naipatak sa lupa at ‘di ko na din namalayan na ako pala’y nakatulog na.

Kasabay ng mabilis na pag-ikot ng mudo pilit ko ding kinalimutan ang masasayang sandali na siya ay kapiling. Ilang beses kong niloko ang aking sarili na kaya kong mabuhay ng wala siya pero hindi ko pa din kaya.

Pagkalipas ng isang taon, taong 2010. Nasaika-apat na akong taon at isang taon na ding wala siya sa aking tabi  at tila nasanay na din ako na mag isa ako. Habang pauwi ay may natangga pa kong tawag mula sa kanyang ina.

“Hello. Asan ka? “

“Pauwi na po. Bakit po?“

“Punta ka naman dito inaantay ka na niya!”

“Sino po?”

“Basta pumunta ka na dito. Dalian mo!”

Bumilis ang tibok ng puso ko at labis akong kinabahan. Nagmadali naman akong pumuntang ospital.

Pagdating kong ospital. Sa pagtapak ko sa kanyang kwarto labis na bigat ng pakiramdam ang aking naramadaman sabayan pa ng hindi mapaliwanag na itsura ng kanyang mga kamag-anak. Sa gitna ng kwarto, nakita ko siyang muli ngunit siya ay nakaratay na at nanghihina.Bagamat unti unti ng nilamon ng kanyang sakit ang kasiglahan ng kanyang pangangatawan ay taglay niya pa din ang kagandahang lubos kong hinangaan noon. Muli niyang ipinamalas ang walang kasing tamis niyang ngiti na bumihag sa puso ko noon.

Dahil sa labis na pagkasabik, dali-dali ko siyang hinagkan at muli kong naramdaman ang init ng kanyang labi. At ang lahat ng masasayang sandali ng kami ay magkapiling ay biglang bumalik. Sa pagkakataong ito muling umagos ang luha sa aking mga mata.

“Na-miss kitang sobra!”

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

“Na-miss din kita!”

“Dito ka lang sa tabi ko ah wag mo akong iiwanan. Walang iwanan, ‘di ba ?”

“Oo naman !Hinding hindi kita iiwanan!”

“MAHAL NA MAHAL KITA! Simula ngayon may magbabantay na sayo mula sa itaas. Ingat ka palgi. Lagi mong isipin na lagi mo akong kasama”

Pagkatapos niyang bitawan ang mga linyang ito may kakaibang tunog ang namayani sa apat na sulok ng kwartong iyon. At kabi-kabilang paghagulhol ang aking narinig at tuluyan ng hindi mapigilan ang pagagos ng mga luha sa aking mga mata. Pumanaw siya sa aking mga kamay habang kami ay mag kayap.

“Time Of Death: 2:14pm”

2015


Featured Image by Corinne

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s