Pagkabulag

Ako’y nabulag na. Wala na akong makita. Hindi ko na makita ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na makita ang babaeng itinuring kong akin.

Bakit sa lahat ng bagay na ayaw kong mawala, ikaw pa ang nauna? Ikaw na hiniling kong huwag nang umalis; ikaw na minamahal ko nang labis.

Isang araw ay napakasaya ko dahil kasama kita. Hindi ko mailarawan ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ka. Ang boses mo, ang ngiti mo, at ang mukha mong kaaya-aya ang palaging nasa isipan ko. Palaging kong ipinagdarasal sa panginoon na sana’y hindi ka na mawala dahil ayaw ko nang mawalan ng isa pang minamahal sa buhay ko.

Ilang araw ang ibinuwis ko. Ilang alok ang tinanggihan ko. Ang lahat ng iyon ay ginawa ko para lang makasama kita. Wala akong pinagsisisihan. Ikaw lang naman ang bumubuo sa araw ko.

Minsan na ring dumating sa isipan ko kung bakit kita mahal. Dahil ba ito sa kagandahan ng itsura mo? O ‘di kaya nakita ng aking mga mata ang kagandahang loob mo? Nabulag nga lang ba talaga ako noong nakilala kita? O ipinakita mo sa akin kung sino ka nga talaga? Bakit iba ang pakiramdam kapag ikaw na ang gumawa ng mga bagay na palagi ko namang nararanasan? Ano ang nakita ng aking mga mata? Alam kong hindi ikaw iyon. Alam kong hindi lang ikaw ang nakita ko noon.

Ngunit bigla na lang nandilim ang paningin ko. Nalaman kong hindi na kita makikita pang muli. Masakit. Humiga ako sa lupa. Tumingin ako sa langit. Inisip kita. Masakit. Hindi ko lubos na maisip na ang isang bagay na pinaghirapan kong makuha ay bigla na lang mawawala. Kasalanan ko ba? May nagawa ba akong masama? Ang tanging ginawa ko lang ay mahalin ka. Nabigla ka siguro. Pasensya na.

Ilang araw na lang ay magwawakas na ang panahong may liwanag. Maaalala ko ang lahat ng sinabi ko. Maaalala mo ba ang lahat ng ito?

Tulad mo, may mga pangarap din ako. Pangarap kong makasama kang tuparin ang mga iyon.

Hindi man tayo magkasama, sabay naman tayong tatanda. Pero ang masaklap ay hindi na nga kita makita, hindi pa kita madama.

Tumatak na sa isipan ko kung ano ang itsura mo. At ang mukhang iyon ang palagi kong maaalala at makikita sa panaginip ko. Ngunit kung makikita man kitang muli, makikilala pa ba kita? Ikaw pa rin ba ang babaeng minahal ko? Ikaw pa rin ba ang babaeng iniwan ako?

Ngunit kailangan kong matuwa. Dahil ba ito sa hindi na kita makikita? Hindi. Tatanggapin ko na lang ang aking pagkabulag ‘pagkat hindi na ako makakakita pa ng makakasakit lang sa’kin. Hindi ko lang alam kung dapat mo ba itong ikatuwa? Dahil ikaw na ang huling babaeng aking makikita.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s