Ano Na Kaya?

Ano na kaya ako ngayon kung hindi kita nakilala? Magiging masaya ba ako sa buhay ko ngayon dahil wala ka sa isip ko? Maiisip ba kita sa bawat minuto ng araw ko at maaalala ang mga oras na tayo’y magkasama? Palagi ko bang pagmamasdan ang larawan mo sa cellphone ko hanggang sa makatulog ako? Palagi ko bang pakikinggan ang kantang inawit mo para sa akin noong nasa karaoke tayo? Makakauwi pa rin ba ako ng dis-oras ng gabi ngayong wala na akong dahilan para gumala pa? Makakain ko pa ba ang pagkaing pinagsaluhan nating dalawa? Makakasulat pa ba ako ng ganito ngayong hindi ako makatulog sa kaiisip sa’yo?

Ano na kaya ikaw ngayon kung hindi kita minahal? Siguro hindi mo ako iniiwasan tulad ng ginagawa mo ngayon. Siguro kinakausap mo pa rin ako hanggang ngayon at nanghihingi ng tulong diyan sa ginagawa mo. Siguro ay iniimbita mo pa rin akong sumabay na kumain. Siguro ay nagpapasama ka pa rin sa mga lugar na gusto mong punatahan. Siguro ay nakangiti ka pa rin sa tuwing nakikita mo ako. Siguro kaibigan pa rin ang turing mo sa akin, dahil hanggang doon lang naman talaga dapat ang turingan natin.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s