Pitaka

Laking gulat ni Myka
Nang siya’y nakakita
Ng isang pitaka
Sa tambak ng basura

Nakita niya na may laman
Na sampunlibong Piso
Ito’y kanyang kailangan
Ngunit ito ba’y itatago?

Nag-aagaw buhay ang ina
Limang kapatid ay gutom na
Pero baka kunin lang ni ama
Pangsabong lang niya mamaya

Nakatira lang sa may ilog
Pinagkakasiya ang isang itlog
Pang-almusal lang
At sa hapon, ‘di na siya kakain
Nagkakalkal ng basura
Para maikalakal
At ibibili ng siopao
Para lagyan ang sikmura

At, ayun, nahuli ng pulis
Pinagbintangan na magnanakaw
O, andun na nga ang may-ari
At nakita ang kanyang ginawa
Ibinalik na nga ng bata
Ngunit hindi siya natuwa

Nagmakaawa ang bata,
“Pakawalan niyo ‘ko, sige na!
‘Pagkat wala naman akong ginawa
Upang ako ay magkasala.
Ganoon ba ang tingin niyo
Sa aming mahihirap?
Salot sa lipunan
At hindi pwedeng mangarap?”

“Grabe, ang lupit naman
Ninyong manghusga
Kami na nga dito
Ang ‘di nabigyan ng biyaya!”
Nang dahil lang sa isang pitaka
Napahamak ang isang bata
Totoo bang nawala na
Ang mundo sa pagkatama?

2013

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s