Minsa’y Pinasaya ang Araw Ko

Isang kahon na may biskwit
Isang biskwit na may tsokolate
Isang papel na may liham
Isang liham ng pagmamahal

Isang kahon na may biskwit
Ang iyong binili kahit gipit
Lumapit ka, hindi ako galit
Yakapin mo ako nang mahigpit

Isang biskwit na may tsokolate
Ang aking kinain nang walang kahati
Hindi mo pa nakalimutang bumati
Pwede na ba tayong magbati?

Isang papel na may liham
Ang iyong naisulat sa pagdaramdam
Ang tulad ko raw ay hindi mo asam
Sa sinasabi nila’y wala kang pakialam

Isang liham ng pagmamahal
Ang aking binasa nang kaytagal
Sa isipan ko ngayo’y ‘di ko matanggal
Ako pala ay tunay mong minahal

Minsa’y pinasaya ang araw ko
Kahit wala pa ang kaarawan ko
Bigyan mo man ako ng maraming regalo
Sapat na sa akin ang pagmamahal mo

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s