Masyado Nang Marami

Ilang beses na kitang
Sinubukang kausapin
Nalaman mo sana
Kung ako’y pinapansin

Ilang beses ko nang inalay
Ang oras ko sa’yo
Nalaman mo sana
Kung ika’y sumasama

Ilang beses ko nang sinabi
Na gusto kita
Nabilang mo sana
Kung nakikinig ka

Ilang beses ko nang pinigilan
Ang pagluha ng mga mata
Kasingdami na rin siguro
Ng mga araw na wala ka

Ilang beses ko nang sinabi
Na kaya ko pa
Marahil ‘di ko na malaman
‘Pagkat ako’y naguguluhan

Ilang beses ko na bang sinabi
Na mahal na mahal kita?
Marahil ‘di ko na mabibilang
‘Pagkat hindi ko na kaya

Ilang beses ko nang sinabi
Na ayaw ko na
Marahil ‘di ko na mabilang
‘Pagkat puso’y wasak na

Ilang beses ko na bang sinabi
Na ika’y gusto ko pa?
Anong silbi ng pagbibilang
Kung alam kong wala ka na?

Ilang beses na ba?
Masyado nang marami
Hindi ko na kaya
Ayoko na

Ilang beses mo pa ba
Sasaktan ang aking puso?
Sabihin mo na
Para ‘di na magbilang pa

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s