Sulyap

Sa pila pa lang ay nakita ka na
Parehong naghihintay ng masasakyan
Sa isang sulyap ay aking nakita
Isang nakabibighaning dalaga

Puting balat
Pulang buhok
Puting uniporme
Pulang labi

Nais sana kitang lapitan
Upang malaman ang iyong pangalan
Ngunit ayaw ko namang maabala
Baka mawalan pa ako ng puwesto sa pila

Nasa isip ko na agad
Kung ano tayo ‘pag nagkakilala
Magkaibigan na nga lang ba?
O magiging higit pa?

Tila masakit nang aking mapuna
Ang ating nasakyan ay magkaiba ng ruta
Magkatabi na nga, ba’t kailangang lumayo pa?
Ikaw ba kaya’y makakasabayan pa?

Habang paalis ay nakasilip sa bintana
Pinagmamasdan ang maamo mong mukha
Pagmamasdan kita hanggang sa magsawa
Dahil alam kong hindi na kita makikita


Featured Image by corinn.elysa

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s