Sa Kamay ng Diyosa

Magkahawak ang ating kamay
Sa tabi ng dalampasigan
‘Yan ang tangi kong pangarap
Na ayaw kong bitiwan

Ayaw kong magmadali;
Baka bumitaw ka
Ayaw kong mag magpahuli;
Baka ako’y maiwan pa

Ano ang silbi ng magkatabi
Kung hindi naman tayo magkaharap?
Ano ang silbi ng magkaharap
Kung hindi naman tayo magkayakap?

Ayaw kong mabingi
Baka boses mo’y ‘di na mapuna
Ayaw kong mabulag
Baka ganda mo’y ‘di na makita

Ayaw kong mapipi
Baka pag-amin ay ‘di magawa
Ayaw kong mawala ka
Baka ako naman ay maulila

Ano ang silbi ng pananaginip
Kung hindi naman tayo makikipagkita?
Ano ang silbi ng pakikipagkita
Kung hindi naman ako ang iyong sinisinta?

Tayo man ay magkalayo
Puso ko’y pilit na lumalapit sa’yo
Kumakatok sa iyong puso
Ako kaya’y pagbuksan mo?

Kailanma’y hindi nagsawa
Sa ngiti mong kayganda
Kung may dahilan sa pagiging masaya
Iyon ay ang makita ka

April 2015


Featured image by aira.montgomery

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s