Kendi

Pahingi ako ng kendi mo
Kending pumuputok sa dila
Masarap ito kung galing sa’yo
Masarap kung walang makakakita

Ilapit mo ang kendi sa labi ko
Kanina pa naglalaway ang aking bunganga
Iparamdam mo ang tamis nito
Bigyan mo pa nga ako ng isa pa

Isubo mo sa akin ang kendi mo
Hayaan mong ako na lang ang ngumuya
‘Wag mong sugatan ang dila ko
Nang sipsipin ko na ay wala nang lasa

Libangin mo naman ako
Ng kendi sa loob ng iyong bulsa
Dahan-dahanin mo’t baka masaktan ako
Makakagat ko na ang aking dila

Baliktarin mo ang ikot ng mundo
Bigyan mo ako ng kaunting ligaya
Sige, pipikit na lang muna ako
Ibuhos mo ang dagta sa aking mukha

Nais mong kumain
Doon tayo kung saan madilim
Kung ikaw ay tatanungin
Nais mo bang makatikim?

Dali na at iyong sipsipin
Ang aking kendi na maasim
Hindi na lang muna kita pipilitin
Mag-isip ka muna nang mataimtim

Hipan mo muna bago mo kainin
Ang mainit na kendi mula sa ilalim
Mag-ingat ka na lang at huwag mong kagatin
Ganun na rin ako sa kendi mong matalim

Bakit tila may mga bituin,
Sa ilalim ng isang punong malilim?
Ituring man kitang isa kong alipin
Ako na lang ang saktan mo nang palihim

Pasensya na kung ako ay naging mahiyain
Masarap pala ang kendi sa gitna ng dilim
Kung ayaw mong ikaw ay aking lokohin,
Huwag mong ibubunyag ang ating lihim

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s