Sa Pagdating ng Umaga

Saglit lang, huwag ka munang umalis
Hindi pa kita minamahal nang labis
Takpan muna ang katawan ng tapis
Saka ka na ngumiting aalis

Babalik ka pa ba sa bahay mo,
Kahit na itago ko ang susi nito?
Iwan mo na lang ang iyong numero
‘Pagkat hindi pa ako tapos sa iyo

‘Wag kang magmadali
‘Wag munang umuwi
Malalim pa ang gabi
Wala na ako sa sarili

Hawak ko, gusto mo
“‘Wag dito,” sabi mo
Kaya maghanap ka na ng kwarto
Doon tayo gagawa ng milagro

Ang lambot ng kamay ay ‘wag mong pansinin
Pisngi mo ay nais kong sipsipin
Dibdib mo ay gusto kong lamasin
Kapurian mo ba ay maaari ko nang kunin?

Itulak mo ako sa malambot na lupa
Paluin mo ako na parang isang tupa
Ngayon ka lang natuwa sa pagkadapa
Ngayon ka lang natuwa habang nilalapa

Sa pagyanig ng mundo ay hindi ka handa
Sa pagpasok ng susi ay nagdurugo ka
Puntahan mo na ngayon ang kaibigan mo sa langit
Sa impyerno na lang tayo magkita ulit

Nasa isip mo pa lang, kinikilig ka na
Paano pa kaya kapag nangyari na?
Pagpasensyahan mo na kung ikaw ay nabigla
Lilipas din ito sa pagdating ng umaga

Hanggang ngayon, ako ay umaasa
Ikaw ba kaya ay mahahagkan ko pa?
Ngayong gabi, ikaw lang ang kasama
Pagdating ng umaga, wala ka na


“Kalandian”
isang serye ng mga tula

Matilda
Isang Linggong Maulan
Sa Pagdating ng Umaga


Featured Image by sjperegrin

Advertisements

2 thoughts on “Sa Pagdating ng Umaga

  1. Pingback: Matilda | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Isang Linggong Maulan | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s