Isang Linggong Maulan

Noong tag-ulan lang kita minahal
Subalit hindi naman nagtagal
Sumilong ka noon sa aking puso
Pagsikat ng araw, ikaw ay naglaho

Noong kinailangan mo ng mahahagkan
Noong tag-ulan, ika’y aking nilapitan
Nang sumikat na ang araw, ika’y aking iniwan
Sapagkat winasak mo ang iyong masisilungan

Noong isang linggo, akala ko ay tayo
Nang sumunod na linggo, meron ka nang bago
Nais sana kitang bigyan ng munting regalo
Ngunit ang hinihintay mo ay mula sa ibang tao

Sa lamig ng paligid, ako’y niyakap mo
Sa init ng iyong puso, ako’y napa-ibig mo
Nang ako’y nahuhulog, sinalo mo ako
Nang hawakan na kita, binitiwan mo ako

Ika’y nagtanong kung ako’y malandi
Para ikaw ay hindi magkamali
Sa akin ay nagduda ka pa
Ganun ka rin naman pala

Noong nilalamig ka ay niyakap kita
Hinimas ang balat mong hindi ko makita
Noong nilalamig ako, hinubaran mo ‘ko
Kinuha mo ang lahat ng pag-aari ko

Paliguan mo ako ng iyong mga halik
Upang ako’y magpabalik-balik
Gahasain mo ako sa isipan mo
Malamig na gabi’y painitin mo

Bitiwan mo na ang aking kamay
Ayaw na kitang makasama habambuhay
Nakakaakit man ang itsura mong taglay
Ang pag-ibig mo naman ay hindi tunay

Isang linggong maulan, tayo ay nagmahalan
Nang sumunod na linggo, ‘di na tayo nagpansinan
Ganun ba kabilis ang pag-iibigan,
Kung hindi naniniwala sa magpakailanman?

Oo, isang linggo lang kitang minahal
Ngunit bakit tila ito’y napakatagal?
Kasing tagal ng ulan dito sa amin ngayon
Siguro naman ay pagod ka na ngayon

Sa panaginip ko, ikaw ang kapiling
Sa panaginip mo, ako ang kasiping
Matulog ka na nga ngayon nang mahimbing
‘Pagkat marami pang bagyo ang darating


“Kalandian”
isang serye ng mga tula

Matilda
Isang Linggong Maulan
Sa Pagdating ng Umaga


Featured Image by everydei

Advertisements

4 thoughts on “Isang Linggong Maulan

  1. Pingback: Matilda | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Sa Pagdating ng Umaga | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s