Matilda

Si Matilda ay isang napakalanding bata.
Kating-kati na siyang magkaroon ng syota.
Marami nang lalaki ang lumapit sa kanya.
Marami ring lalaki ang pinapaasa niya.

Si Matilda ay isang napakadaldal na bata.
Hindi halata sa kanya ang pagiging dalaga.
Kilos pa lang niya ay iyong maaalala.
Ang kanyang katawan ay gamit na gamit na.

Si Matilda ay may tinig na tulad ng isang diyosa.
Ang boses niya ay sadyang nakahahalina.
Maaari ko bang marinig ang tinig mong kayganda?
Ang hinanakit mo ay idaan mo sa kanta.

Oh, Matilda, naaalala mo pa ba?
Ang mga panahon na kasama mo pa siya?
Marahil ika’y nagtataka kung ba’t wala na siya.
Akala niya kasi, meron ka nang iba.

Kailan mo ba balak tigilan ‘yan, Matilda?
Ang kaugalian mo’y hindi na maganda.
Ilang lalaki pa ba ang kailangan mong hagkan?
Ilan pa ba ang hahaplos sa iyong katawan?

Sige, Matilda, tumawa ka.
Tawanan mo lang ang iyong mga problema.
Sapagkat sa kagandahan mo’y walang hihigit.
Patayin mo ang lahat ng babae sa inggit.


“Kalandian”
isang serye ng mga tula

Matilda
Isang Linggong Maulan
Sa Pagdating ng Umaga


Featured Image by corinn.elysa


Advertisements

2 thoughts on “Matilda

  1. Pingback: Isang Linggong Maulan | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Sa Pagdating ng Umaga | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s