Kung Hindi Tayo, Edi Ano?

Lagi kayong magkasama
Ngunit tayo, hindi pa
Kailan pa ba ulit tayo magkikita?

Ang nais ko talagang malaman
Kung ako ay mahal mo pa
Kailan pa ba ulit tayo magsasama?

Araw-araw, hinahanap ka
Buong araw, nasa isip ka
Ako rin ba kaya ang nasa isip mo?

Kahapon ay nasa akin ka
Kinabukasan, nasa iba
Madali lang ba talaga ang mawala ka?

Hahanapin kita ‘pag ika’y nawala
Kung wala ka dito, nasaan?
Magmamahal ako nang tapat
Kung hindi sa’yo, edi kanino?

Nais kitang makasama magpakailanman
Kung hindi ngayon, edi kailan?
Ayos lang sa akin kung ayaw mo
Kung hindi tayo, edi ano?

Paano mawawala ang iniinda ko
Kung ikaw mismo ang pinoproblema ko?
Paano mo masasagot ang mga tanong ko
Kung ikaw mismo ay kusang lumalayo?

Kahit na ako’y lumuluha na
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ako pa ba’y magiging masaya
Kung alam kong wala ka na?

Kahit hindi mo na ako makilala
Sana pag-ibig ko’y tandaan mo pa
At kahit na umalis ka pa
Maghihintay pa rin ako sa wala

2012

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s