Hindi Tayo

Hihintayin kita
Kasi ngayon, bawal pa
Saka na kita babalikan
Kapag pwede na

Pero kung sa pagbalik ko ay wala ka na
At sumama ka na sa iba
Siguro kailangan ko na lang tanggapin
Na hindi tayo kayang ipagtagpo ng tadhana

Hindi tayo bagay, sabi ni nanay
Hindi tayo tatagal, sabi ni tatay
Hindi tayo talo, sabi nila
Hindi tayo seryoso sa isa’t isa

Hindi tayo magkasamang kakanta sa videoke
Hindi tayo magkasamang manonood ng sine
Hindi tayo tatanda nang magkasama
Hindi tayo ipinanganak para sa isa’t isa

Sa ngayon, tayo ay pinagtagpo sa maling panahon
Tayo ay nagmahalan sa maling sitwasyon
Tayo ay masuwerteng naging magkapareha
Tayo ay hindi na maghihiwalay pa

Ngunit kailangan mong malaman na wala nang pag-asa
Hindi tayo ang itinadhana para sa isa’t isa

July 27, 2015


“Hindi”
isang serye ng mga tula

Hindi Ikaw
Hindi Ako
Hindi Tayo
Hindi Pala

CHAMPION
Poetry Writing Competition
National University – Foundation Week 2015
August 7, 2015

Advertisements

3 thoughts on “Hindi Tayo

  1. Pingback: Hindi Ako | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Hindi Ikaw | Kahapon Pa Ako Gising

  3. Pingback: Hindi Pala | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s