Hindi Pala

Nabasa ko kanina ang iyong mga tula
At ang puso ko’y nawasak sa binitiwang salita
Kaya ngayon naman ay pakinggan mo ako
Ito ang aking sagot sa mga tula mo

Paiyakin mo na ako ngayon
Para hindi na ako iiyak bukas
Saktan mo na ako ngayon
Para hindi na ako masasaktan bukas

Akala ko ikaw na nga, hindi pala
Akala ko ako lang, hindi pala
Akala ko tayo na, hindi pala
Akala ko masaya ka, hindi pala

Hindi pala matutuloy ang lahat ng mga plano
Hindi pala matutupad ang lahat ng mga pangako
Hindi pala totoo ang mga sinabi mo
Hindi pala dapat naniwala sa iyo

Sa ngayon, nagunaw na ang aking mundo
Ikaw ang sumira sa buhay ko
Ako ang tangang umasa sa’yo
Tayo ay naghiwalay nang hindi man lang pinagtagpo

Ngunit ano ang silbi ng mga sinasabi ko?
Hindi pala tayo; ba’t ba ako umaasa sa’yo?

July 27, 2015


“Hindi”
isang serye ng mga tula

Hindi Ikaw
Hindi Ako
Hindi Tayo
Hindi Pala

CHAMPION
Poetry Writing Competition
National University – Foundation Week 2015
August 7, 2015

Advertisements

4 thoughts on “Hindi Pala

  1. Pingback: Hindi Ako | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Hindi Ikaw | Kahapon Pa Ako Gising

  3. Pingback: Hindi Tayo | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s