Lunes

Lunes ang pinakapaboritong araw ko.
Kahit na para sa iba, isa ‘tong impyerno.
Alam ko kasing magiging masaya ako.
Dahil makikita ko ngayon ang babaeng mahal ko.

Lunes nang una tayong magkita.
Ako’y tuwang tuwa nang makatabi kita.
Sinubukan kitang kausapin.
Pero ‘di mo ‘ko pinansin.

Lunes nang makita kitang kumakain mag-isa.
Tumabi ako sa’yo at sinamahan ka.
Ngunit ika’y tulala at tila iyong sinasadya.
Ikaw ay tumayo at umalis na lang bigla.

Lunes nang makita kitang umiiyak.
Nilapitan kita at kinausap ka.
Ikaw ay nagalak nang ako ay makita.
Ako lang pala ang tatahan sa iyong pagluha.

Lunes nang una tayong kumain sa labas.
Menudo ang in-order mo habang sa ‘kin ay adobo.
Habang hinihipan mo ang kaning mainit.
Kinwento mo muna ang buhay mo saglit.

Lunes nang bigyan kita ng munting regalo.
Natuwa ako nang tanggapin mo ito.
Lunes nang ihatid kita sa bahay mo.
At muntik na tayong gumawa ng milagro.

Lunes nang tanungin mo ako.
“Bakit ba napakabait mo sa ‘kin?”
Hindi ako nakapagsalita.
Sinabi ko na lang na ganun talaga.

Lunes nang aminin ko sa’yo.
Na ikaw ang babaeng gusto ko.
Lunes nang sabihan mo ako.
“Hindi talaga ako interesado sa’yo.”

Lunes nang paiyakin mo ako.
At umabot ito hanggang Sabado.
Ngunit hindi pa pala tapos ang pananakit mo.
Sinaktan mo ako ulit nang sumunod na linggo.

Lunes nang makita kita.
Sa isang kainan na may kasama.
Wasak ang damdamin nang aking makita.
Ang paghalik mo sa mga labi niya.

Lunes nang hanapin kita.
Pinuntahan ang bahay mo; wala ka na pala.
Umalis na at lumipat sa iba.
Sumama ka na pala sa kanya.

Lunes noon nang ika’y mawala.
Iyon na ang araw na huli kitang nakita.

Lunes nanaman.
Nasaan ka na kaya?

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s