Laro

Isa, dalawa, tatlo
Tayo ay maglaro
Dadalhin kita sa ibang mundo
Dalhin mo ako sa piling mo

Sulitin natin ang dilim
Kunwari ikaw ay akin
Ako ay sayo lang din
Init ay iyong damhin

Yakapin mo ako at halikan
Na parang tunay ang nararamdaman
Ngayon, ako lang ang pahalagahan
Wag muna isipin ang kinabukasan

Oo, alam kong mahal mo siya
Puso mo ay binigay mo na sa kanya
Pero kalimutan muna siya sa tuwina
Bumalik ka sa kanya, pagdating ng umaga

Hindi, Hindi ito mali
Wala naman magsasabi
Halika na, dito ka sa aking tabi
Tayo lang ngayong gabi

Huwag kang magalala, pagkatapos nito
Kakalimutan ang lahat at magpapakatotoo
Dahil masakit man, o mahal ko
Alam ko, isa lang itong munting laro.


Nagustuhan mo ba?
Read more at drosiatisthalassas.wordpress.com

Advertisements

2 thoughts on “Laro

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s