Chatbox

Sending
Sent
Delivered
Seen

Good morning!
Good afternoon!
Good evening!
Good night!

Smile palagi.
‘Wag nang magalit.
Hayaan mo siya.
Inggit lang ‘yan sa’yo.

Kumain ka na ba?
Diet ka nanaman.
Kain ka muna.
‘Wag magpalipas ng gutom.

Tulog na.
May pasok ka pa bukas.
Gising na.
May pasok ka pa mamaya.

Nagpagupit ka?
Nagpakulot ka?
Nagpakulay ka?
Patingin nga.

Saan ka galing?
Sino kasama mo?
Ano ginawa niyo?
Nag-enjoy ba kayo?

Kwentuhan mo ako.
Wow, grabe.
Kantahan mo ako.
Ang galing!

Ang cute mo raw sabi ng kaibigan ko.
Ang cute mo raw sabi ng kapatid ko.
Ang cute ng ngiti mo.
Ang cute mo.

Ano ang hanap mo sa isang lalaki?
Ilan ang gusto mong maging anak?
Ano ang gusto mong ipangalan sa kanila?
Saan mo gustong tumira paglaki?

Ano paborito mong pagkain?
Ipagluluto kita.
Marunong ka bang magluto?
Patikim ako ha!

Penge ako.
Nasa labas na ako.
Ayan, nasalo ko na.
Salamat!

Dapat matatawa ako dyan sa joke mo, ha!
Ang korni.
Hahaha.
Ako naman magjojoke.

She sent a message
She sent a sticker
She sent a voice clip
She sent a photo

Nandito ako ngayon sa ano…
Punta tayo dito next time ha!
Sasamahan kita.
Masaya dito, pramis!

‘Wag nang magpupuyat.
Sige, magkaka-eyebags ka niyan.
‘Wag nang kain nang kain.
Sige, tataba ka niyan.

May sakit ka ngayon?
Uminom ka na ba ng gamot?
Pahinga ka muna.
Get well soon.

Ok ka lang?
Nabasa ko post mo.
May kaaway ka nanaman ba?
Ahh okay.

Aalis ka?
Saan ka pupunta?
Ano gagawin niyo?
Ingat!

Offline 1m
Offline 1h
Offline 1d
Offline

June 2, 2015

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s