Minsan Ika’y Nakipayong

Malakas ang ulan noon.
Wala kang dalang payong; ako meron.
Pinayungan kita; sumilong ka.
Sabay tayong lumusong sa baha.

Tuwang-tuwa ako kahit basang-basa na tayo.
Pangarap ko na kasi dati pa ang payungan ka habang umuulan.
Nabasa ka; nabasa ako.
Nagbasaan tayo.

Sumilong tayo sa isang simbahan.
Isang simbahang pinuno natin ng maraming kasalanan.
Hinubad mo muna ang uniporme mo.
Nakita ko ngayon ang kaluluwa mo.

“Sarado mo na lang ‘yan,” sabi ko.
“Basa na kasi eh,” sabi mo.
Doon na lang tayo sa bahay mo.
Ayaw ko lang kasing bastusin ka ng mga tao.

Hinatid pa rin kita pauwi.
Unti-unting tumila ang ulan.
Tumigil tayo sa harap ng iyong tahanan.
Humarap ka sa’kin at ako’y pinasalamatan.

“Ingat ka,” sinabi mo habang yakap ako.
Kahit na giniginaw, ramdam ko ang init mo.
Umalis na ako; lumingon ako.
Nakatingin ka pala; nginitian mo ako.

Marami nang araw ang nagdaan.
Inabangan pa rin kita sa dating tagpuan.
Hindi inalintana ang malakas na ulan.
Dahil nais ko lamang noon ang ika’y masilayan.

Malakas ang ulan ngayon.
Nakauwi ka na ba?
Ako hindi pa; may iniisip pa.
Kanino ka naman kaya nakipayong ngayon?


Featured image by Coleen Santos


3rd Runner-Up
Spoken Word Poetry Contest
National University – College of Education, Arts, and Sciences Christmas Party 2015
December 19, 2015

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s