Hindi Ikaw

Ang makilala ka ay aking ikinagagalak
Ngunit hindi ikaw ang mabibigyan ko ng bulaklak
Sa piling mo, ako ay masaya
Ngunit hindi ikaw ang kakantahan ko ng harana

Natatakot ako na ikaw ay masaktan
Kaya hindi ikaw ang babaeng aking lalapitan
Natatakot ako na ikaw ay maiwan
Kaya hindi ikaw ang babaeng aking liligawan

Hindi ikaw ang babaeng aking yayakapin
Hindi ikaw ang babaeng magsisilang sa’king supling
Hindi ikaw ang babaeng hahalikan ko sa kamay
Hindi ikaw ang babaeng makikilala ni nanay

Hindi ikaw ang babaeng makakasama ko sa pagtanda
Hindi ikaw ang babaeng sa akin ay mag-aalaga
Hindi ikaw ang babaeng sasamahan ko sa bawat lugar
Hindi ikaw ang babaeng dadalhin ko sa altar

Sa ngayon, ikaw ang babaeng pinaka-iingatan ko
Ikaw ang kumukumpleto sa bawat araw ko
Ikaw ang babaeng pinasasaya ako
Ikaw ang babaeng pinakamamahal ko

Ngunit isang bagay lang ang aking nasisigurado
Hindi ikaw ang babaeng makakatuluyan ko

May 18, 2015


“Hindi”
isang serye ng mga tula

Hindi Ikaw
Hindi Ako
Hindi Tayo
Hindi Pala 

CHAMPION
Poetry Writing Competition
National University – Foundation Week 2015
August 7, 2015

Advertisements

4 thoughts on “Hindi Ikaw

  1. Pingback: Hindi Ako | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Hindi Tayo | Kahapon Pa Ako Gising

  3. Pingback: Hindi Pala | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s