Hindi Ako

Tatapusin ko na bago pa magsimula
Hindi ako ang lalaking para sa’yo
Hindi ko kaya ang lokohin ka
Kaya ako na mismo ang lalayo sa’yo

Ayaw kitang paiyakin bukas
Kaya ngayon na kita sasaktan
Hindi ako sa’yo umiiwas
Ayaw ko lang na ika’y mahirapan

Hindi ako ang lalaking kasama mo sa pagpasyal
Hindi ako ang lalaking sasamahan ka sa ospital
Hindi ako ang lalaking palagi mong kakantahan
Hindi ako ang lalaking habambuhay mong hahagkan

Hindi ako ang lalaking ipagluluto mo tuwing umaga
Hindi ako ang lalaking sa iyo’y mag-aaruga
Hindi ako ang lalaking makakatabi mo sa pagtulog
Hindi ako ang lalaking sa iyo’y mahuhulog

Sa ngayon, ako ang lalaking pinaka-iingatan mo
Ako ang kumukumpleto sa bawat araw mo
Ako ang lalaking nagpapasaya sa’yo
Ako ang lalaking pinakamamahal mo

Ngunit pasensya na kung ika’y paaasahin ko
Hindi ako ang lalaking makakatuluyan mo

June 2, 2015


“Hindi”
isang serye ng mga tula

Hindi Ikaw
Hindi Ako
Hindi Tayo
Hindi Pala 

CHAMPION
Poetry Writing Competition
National University – Foundation Week 2015
August 7, 2015

Advertisements

3 thoughts on “Hindi Ako

  1. Pingback: Hindi Ikaw | Kahapon Pa Ako Gising

  2. Pingback: Hindi Tayo | Kahapon Pa Ako Gising

  3. Pingback: Hindi Pala | Kahapon Pa Ako Gising

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s