Maninilip

Mahigit sa dalawang oras ang inaabot ko kapag bumabiyahe ako papunta sa eskwelahan. Hindi ko na talaga kaya ang matinding trapik sa mga rutang dinadaanan ko lalo na kapag umuulan. Ilang beses na rin akong late sa first subject ko dahil dun. Hindi nagtagal ay kinausap ko si mama kung pwede akong tumira sa boarding house na malapit lang sa eskwelahan na pinapasukan  ko. Pumayag naman si mama at nakahanap ako kaagad ng matitirahan.

Maganda naman ‘yung nakuha kong kwarto. Maluwag, malinis, mabango, malapit sa mga tindahan, at tahimik. Pero may isa akong napansing kakaiba sa kwartong ‘yun – may maliit na butas sa dingding. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang ‘yun tinakpan ng may-ari bago niya ibenta ‘yung kwarto sa’kin. Pero bago ako magreklamo, sinilip ko muna kung anong meron sa kabilang banda ng butas na ‘yon.

Nawindang ako sa nakita ko. Nag-init ang katawan ko nang may makita akong magandang dalaga sa kabila. Maputi, payat, makinis ang balat, mapula ang labi, mapungay ang mga mata,  malaki ang dibdib pati na rin ang kanyang pwet. Napaka-sexy niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at gumawa ako ng kababalaghan sa kwarto ko. Masaya na pala ako; hindi ko na kailangan magreklamo tungkol sa butas sa kwarto ko.

Araw-araw ay umumuwi ako nang maaga para lang masilayan ang magandang babae sa kabilang kwarto. Nakagawa na ako ng paraan upang hindi ako mapagod at mangalay kasisilip sa kanya. Kapag ako’y tinamad bigla habang nagrereview, sisilip lang ako saglit sa kwarto niya at gaganahan na ulit ako. Minsan ay nakikita ko siyang naghuhubad; minsan naman ay nakikita ko siyang nagbibihis. Buti na lang at hindi niya ako napapansin habang sinisilipan ko siya, kundi lagot na ako sa kanya.

Minsan, hindi ako makatulog tuwing gabi. Naaalimpungatan kasi ako sa pulang ilaw na nanggagaling dun sa butas. Kinakausap ko ‘yung babae kung pwede niyang patayin ‘yung ilaw para makatulog ako ngunit hindi niya ata naririnig ‘yung sinasabi ko. Tinitiis ko na lang ‘yung liwanag at nagpatuloy sa pagtulog.

Ilang araw akong nanilip; ilang araw akong naaalimpungatan tuwing gabi. Medyo gumaan ‘yung pakiramdam ko at naisip na kausapin na sa personal ang babaeng nagpapaligaya ng araw ko. Humarap ako sa pinto ng kwarto niya at kumatok sa pinto. Walang sumasagot. Kumatok ako ulit. Dumaan ‘yung may-ari ng boarding house sa tabi ko at tinitigan ako na tila nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa harap ng pinto na ‘yun. Nung nakaalis na siya ay sinubukan kong buksan ang pinto ngunit ito’y naka-lock. Kumatok ako ulit ngunit wala talagang tao. Umalis na lang ako.

Isang gabi, pagkatapos naming makipag-inuman ng barkada ko, ay sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto ng babae gamit ang aking ID. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at naisipan kong gawin ang bagay na ‘yon; malakas na siguro ang amats ko nung gabing ‘yon. Nagulat ako at hindi makapaniwala sa mga nakita ko nung pumasok na ako. Walang laman ang kwarto ni isang gamit maliban na lang sa isang painting ng babae na nakasabit sa pader. Pinagmasdan ko ang babae sa painting at kamukhang kamukha iyon ng babaeng sinisilipan ko araw-araw. Tumaas ang mga balahibo ko at kinilabutan ako. Nagulat ako nang may maramdaman akong malamig na kamay na humawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ang napatalon nang makita ko ang may-ari ng boarding house na nakatingin sa akin. Tinanong niya kung ano ‘yung ginagawa ko ‘dun. Hindi ako makasagot dahil sa pagkagulat. Pinalabas niya agad ako at sinabihan na huwag na ulit pumasok sa kwartong ‘yon. Lumabas ako at pumunta sa kwarto ko. Nakatulala ako dahil sa pagkawindang sa sa mga nasaksihan ko.

Kinabukasan ay kinausap ko ‘yung may-ari ng boarding house tungkol sa misteryo ng kwartong ‘yon. Tinanong ko kung bakit walang gamit doon at kung sino ‘yung babae sa painting. Hindi ako makapagsalita matapos marinig ang kwento niya.

Pintor ‘yung dating nakatira sa kwartong ‘yon. Ipininta niya ‘yung asawa niya para sa kanilang anibersaryo at isinabit ‘yun sa kwarto nila. Maswerte nga ‘yung pintor na ‘yun kasi maganda ‘yung napangasawa niya. Pero noong mga panahon na ‘yun, may kutob na ‘yung pintor na may ibang lalaki ‘yung asawa niya. Isang gabi ay nahuli niya ang asawa niya na may kasamang ibang lalaki sa kama nila; ‘yun ‘yung lalaking nakatira sa kabilang kwarto. Kumuha siya ng baril at pinatay silang dalawa. May ligaw na balang tumama sa pader ng kwarto nila kaya nagkaroon ng butas doon. Pagkatapos ng ilang buwan ay nagsimula na raw magmulto ‘yung babae. Gabi-gabi raw siyang nagpaparamdam sa mga lalaking tumitira sa kwarto ko dati. Nababagabag daw sila lagi kaya sila umaalis. Kapag tinatakpan din daw kasi nila ‘yung butas, nag-iingay lang lalo ‘yung babae at sumisigaw nang malakas.

Tinanong ko sa kanya ‘yung tungkol sa ilaw na nanggagaling dun sa butas tuwing gabi. Sinabi na lang niya na pula ‘yung mga mata nung babae.

February 9, 2015


Featured image from Flippish


Like our Facebook page for more!

Advertisements

7 thoughts on “Maninilip

  1. You should be part of a contest for one of the greatest sites on the internet. I will recommend this blog!

    Like

  2. Keep up the wonderful work! I have read some of your works and I think that your blog is really interesting. 🙂

    Like

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s